Accessibility Tools

 

 
DBM PRESS RELEASE
 
 
The Department of Budget and Management approved the creation of 1,224 additional positions for the University of the Philippines (UP) – Manila – Philippine General Hospital (PGH) to augment its existing medical, allied medical, and support staff.
 
This is in response to the request of the UP-PGH, which seeks to strengthen the Hospital's organizational and manpower capacity to further provide quality health care services to its patients, especially indigent Filipinos.
 
"UP-PGH showcases a remarkable pool of highly skilled medical professionals who are dedicated to providing exceptional healthcare services. With additional manpower, UP-PGH will continue to stand as a beacon of medical excellence in the country,” DBM Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman said.
 
Alinsunod po ito sa direktiba ng ating Pangulong Bongbong Marcos na mabigyan natin ng mas mahusya at maasahang serbisyo ang mga kababayan nating nangangailangan," Secretary Mina added.
 
Currently, the UP-PGH operates as a Level III general hospital with 1,334 bed capacity. Hence, the existing organization and staffing standards for a 1,300-bed Level III government hospital were considered in the approval of the request for additional positions.
 
The creation of 1,224 additional positions in the UP-PGH shall be pursued in four (4) tranches. This will be implemented starting the first quarter of 2025, fourth quarter of 2025, in 2026, and in 2027.
 
Meanwhile, the creation of the succeeding tranches of the approved positions in the UP-PGH will be considered following said schedule and subject to the filling of all created positions in the preceding tranche.
 
This development is seen to significantly boost the operations of the UP-PGH, the country's biggest government tertiary hospital, which provides direct and quality patient services to thousands indigent Filipinos all over the country.
 
###
 
DBM Press Release
Ika-27 ng Marso 2025
 
HIGIT 1,200 DAGDAG NA POSISYON SA PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL, INAPRUBAHAN NG DBM
 
Inapubrahan ng Department of Budget and Management ang pagbuo ng karagdagang posisyon para sa University of the Philippines (UP) – Manila – Philippine General Hospital (PGH) upang dagdagan ang kasalukuyang medical, allied medical, at support staff nito.
 
Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng UP-PGH na palakasin ang organizational at manpower capacity ng ospital upang higit na makapagbigay ng dekalidad na health care services sa mga pasyente nito, lalo na ang mga Pilipinong higit na nangangailangan.
 
"UP-PGH showcases a remarkable pool of highly skilled medical professionals who are dedicated to providing exceptional healthcare services. With additional manpower, UP-PGH will continue to stand as a beacon of medical excellence in the country,” ani DBM Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman.
 
Alinsunod po ito sa direktiba ng ating Pangulong Bongbong Marcos na mabigyan natin ng mas mahusay at maasahang serbisyo ang mga kababayan nating nangangailangan," dagdag pa ng Kalihim.
 
Sa kasalukuyan, nag-ooperate ang UP-PGH bilang Level III general hospital na may 1,334 bed capacity. Kaya naman, ang kasalukuyang organization at staffing standards para sa 1,300-bed Level III na ospital ng gobyerno ay isinalang-alang sa pag-apruba sa naturang kahilingan para sa mga karagdagang posisyon.
 
Isasakatuparan ang paggawa ng karagdagang 1,224 na posisyon para sa UP-PGH sa apat (4) na tranche. Ipatutupad ito  simula sa unang quarter ng 2025, pang-apat na quarter ng 2025, sa 2026, at sa 2027.
 
Samantala, ang paglikha naman sa mga susunod na tranche ng mga aprubadong posisyon sa UP-PGH ay isasaalang-alang batay sa nasabing schedule at pagpuno ng lahat ng posisyon sa naunang tranche.
 
Ang paglikha ng karagdagang posisyon ay inaasahang magpapalakas sa operasyon ng UP-PGH, ang pinakamalaking pampublikong tertiary hospital sa bansa na nagbibigay ng direkta at dekalidad na serbisyong medikal sa libu-libong lubos na nangangailangan na mga Pilipino sa buong bansa.
 
###