Accessibility Tools

 

 
DBM Press Release
 

DBM, inilunsad ang Budget and Treasury Management System para sa mas transparent na pamamahala ng pondo ng bayan

 

 

Pormal nang inilunsad ng Department of Budget and Management (DBM), sa pamumuno ni Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman, ang Budget and Treasury Management System (BTMS), isang mahalagang digitalization project tungo sa pagpapalakas ng Public Financial Management (PFM) Systems sa bansa.
 
Layunin ng BTMS na lumikha ng isang plataporma na magkokonekta sa mga ahensya ng gobyerno pagdating sa financial management. Itinataguyod nito ang transparency o bukas na pamamahala sa pamamagitan pagbibigay ng up-to-date at accurate na impormasyon sa mga financial transactions at paggamit ng budget ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
 
Since I took office as Budget Secretary, the implementation of the BTMS project has been my marching order… And pursuant to PBBM’s directive, with the launch of the BTMS, we are laying the foundation for the Integrated Financial Management Information Systems,” saad ni Secretary Mina.
 
Ang BTMS ay alinsunod sa Public Financial Management Reforms Roadmap for 2024–2028 at Philippine Development Plan. Isinusulong nito ang pagbuo ng mga sistema na adaptive, accountable, at future-ready. Pinapadali rin nito ang malawakang proseso sa pagkolekta at paggamit ng mga pondo sa Bureau of the Treasury, kabilang ang pamamahala ng mga bank accounts, electronic payments, at cash flow forecasting.
 
Tulad po ng lagi kong sinasabi, ang pera na inilalaan ng gobyerno ay pera ng taong bayan. Pera n’yo po ‘yan. Galing ‘yan sa buwis na ibinabayad ng bawat Pilipino. Kaya’t mahalaga po na nakikita ng tao kung ano at saang proyekto o programa ginagamit ng gobyerno ang buwis nila,” pagbibigay-diin ng Kalihim.
 
Katuwang ng DBM sa proyekto ang FreeBalance Inc., isang kumpanya na eksperto sa software solutions para sa PFM.
 
The partnership between our company and the Department of Budget and Management marks a transformative milestone in modernizing the Public Financial Management System in the Philippines. The BTMS is not just a system but a foundational piece of the government modernization agenda,” ani Manuel Schiappa Pietra, Presidente at CEO ng FreeBalance Inc.
 
Kasama rin ni Secretary Pangandaman sa paglulunsad ng proyekto ang ilan pang mga kinatawan ng DBM at mga opisyal ng Bureau of the Treasury, Commission on Audit, at ang dalawang pangunahing tagapagtaguyod ng proyekto na sina DBM Undersecretary Maria Francesca M. Del Rosario at FreeBalance VP-Services Mr. Gerard S. Rao.
 
###