DBM PRESS RELEASE
14 November 2024

PBBM administration assures sufficient disaster response, recovery funds
In adherence to the directive of President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman approved the release of P875 million to replenish the Quick Response Fund (QRF) of the Department of Social Welfare and Development (DSWD).
The fund is chargeable against the National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) Fund under the FY 2024 General Appropriations Act (GAA).
"Alam po natin na mahalaga ang papel ng DSWD sa pag-alalay at pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan lalo’t sunud-sunod po ang nangyaring mga kalamidad. Kaya nung nag-request po sila na i-replenish ang kanilang QRF, agad po natin 'yang tinugunan bilang pagsunod din po sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na siguruhing may nakaantabay tayong pondo para sa anumang sakuna," Secretary Mina said.
Under the FY 2024 General Appropriations Act (GAA), the NDRRM Fund may be used as an additional funding source for the QRF of implementing agencies concerned when its balance reaches fifty percent (50%), subject to the approval of the DBM.
As of 30 October 2024, DSWD's available QRF balance has reached below the 50% threshold at P557.77 million or 31.87% of its current appropriations.
The approval of DSWD’s request is crucial to enable prompt delivery of response and early recovery services and intervention under the Disaster Response and Management Program.
The requested replenishment is particularly intended for the procurement of various Family Food Packs and Non-Food Items for the stockpiling of relief resources in DSWD warehouses and the implementation of Cash for Work for the affected families of Typhoon Julian in Region I.
"Malaking bagay po ang pondong ito para tuluy-tuloy na makapagbigay ng tulong ang DSWD sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo," the Budget Secretary said.
###
DBM PRESS RELEASE
Ika-14 ng Nobyembre 2024
Administrasyon ni PBBM, siniguro ang sapat na pondo para makatugon sa pinsala ng kalamidad
P875 Milyon, inilabas ng DBM para mapunuan ang Quick Response Fund ng DSWD
Bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" F. Pangandaman ang pagpapalabas ng P875 milyon para mapunan ang Quick Response Fund (QRF) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kukunin ang pondo mula sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM) Fund sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA).
"Alam po natin na mahalaga ang papel ng DSWD sa pag-alalay at pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan lalo’t sunud-sunod po ang nangyaring mga kalamidad. Kaya nung nag-request po sila na i-replenish ang kanilang QRF, agad po natin 'yang tinugunan bilang pagsunod din po sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na siguruhing may nakaantabay tayong pondo para sa anumang sakuna," pahayag ni Secretary Mina.
Sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA), maaaring gamitin ang NDRRM Fund bilang dagdag na funding source para sa QRF ng mga kinauukulang implementing agencies, kung ang kanilang balanse ay umabot na sa limampung porsiyento (50%), na napapailalim sa pag-apruba ng DBM.
Noong ika-30 ng Oktubre 2024, umabot na ang available QRF balance ng DSWD sa ilalim ng 50% threshold na may halagang P557.77 milyon o 31.87% ng kasalukuyang appropriations nito.
Ang pag-apruba sa request ng DSWD ay napakahalaga para mabigyang-daan ang mabilis na paghahatid ng tugon at maagap na recovery services at intervention sa ilalim ng Disaster Response and Management Program.
Ang hiniling na fund replenishment ay partikular na inilaan para ipambili ng iba't ibang Family Food Packs at Non-Food Items para sa pag-iimbak ng relief resources sa mga bodega ng DSWD at sa pagpapatupad ng Cash for Work para sa mga apektadong pamilya ng Typhoon Julian sa Region I.
"Malaking bagay po ang pondong ito para tuluy-tuloy na makapagbigay ng tulong ang DSWD sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo," ani Budget Secretary.
###