Download FAQ on Medical Allowance for Government Workers
1. Ano po ba ang pangunahing layunin ng Medical Allowance na ibibigay sa mga government employees?
Ang pangunahing layunin ng Medical Allowance ay makatulong sa mga kawani ng pamahalaan na makakuha o maka-enroll sa nais nilang health maintenance organization o HMO coverage upang sila ay maka-access sa mga healthcare services o benefits na naaayon sa kanilang pangangailangan.
Dagdag pa, sa pamamagitan ng HMO coverage, inaasahang ito ay makatutulong na mapababa pa ang inilalabas na pera ng mga empleyado sa kanilang pangangailangan medikal matapos ikaltas ang benepisyo ng PhilHealth sa kanilang billing.
Dahil dito, palalakasin ng Medical Allowance ang kalusugan at financial security ng mga empleyado ng gobyerno habang pinapanatili ang isang malusog at malakas na workforce.
2. Ano po ba ang pagkakaiba nito sa PhilHealth at sa mga private Medical Insurance na maaring meron na ang isang government employee?
Ang Medical Allowance ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 64, s. 2024. Ito ay pantulong lamang o subsidy sa mga kawani ng gobyerno upang sila ay makakuha ng kanilang HMO coverage na makatutulong sa kanila na maka-access sa mga prosesong medikal na kanilang kailangan.
Ito ay maaaring gamitin pambayad sa mga buwanang hulog sa mga HMO companies na kanilang kukunin.
Samantala, alinsunod sa “Universal Health Care” law, ang mga kawani ng gobyerno ay mananatiling miyembro ng National Health Insurance Program. isang proyekto ng PhilHealth
na nagbibigay ng access sa preventive, promotive, curative, rehabilitative, at palliative care para sa medical, dental, mental at emergency health services.
3. Sinu-sino po ang mga nakatakdang makatanggap ng medical allowance? Ano po ang mga requirements bago makakuha ng grant?
Alinsunod sa DBM Budget Circular No. 2024-6, maaaring makatanggap ng medical allowance ang mga civilian personnel na may regular, contractual or casual na posisyon, at nakapagsilbi ng hindi bababa sa total o sa pinagsamang anim (6) na buwan sa serbisyo sa partikular na fiscal year.
Ang isang newly-hired na empleyado ay maaaring magqualify sa grant ng medical allowance matapos magsilbi ng 6 na buwan sa gobyerno.
Hindi naman covered ang mga sumusunod: 1) Contract of Service (COS), Job Order (JO), at iba pang mga personnel na may posisyong walang employer-employee relationship; 2) mga civilian personnel na may HMO-based healthcare services; 3) mga personnel na nagsisilbi sa legislative at judiciary branches at mga opisina na may fiscal autonomy; at 4) military at uniformed personnel.
4. Paano po matatanggap ng mga empleyado ang allowance, at ano po ang maaaring paggamitan ng P7,000 per year na grant?
Ang medical allowance ay maaaring maibigay bilang HMO-type product coverage, na maaaring i-avail ng government agencies o ng organisasyon/grupo ng kani-kanilang empleyado.
Maaari din itong ibigay sa pamamagitan ng cash para sa mga gustong kumuha ng kanilang sariling HMO o para irenew ang kanilang existing HMO-type benefit; at para sa mga nagbayad ng kanilang medical expenses, gaya ng, pero hindi limitado sa, pagpapa-ospital emergency care, diagnostic tests, at gamot, dahil sa hirap nang pagkuha ng HMO-product, dahil sa mga sumusunod:
- Ang kanilang locality/komunidad ay na-identify bilang Geographically Isolated at Disadvantaged Area;
- Ang kanilang locality ay walang sapat na HMO branch o walang opisina na may lisensyadong kumpanya ng HMO;
- Ang aplikasyon ng isang empleyado para sa pagkuha ng HMO coverage ay na-deny ng isang HMO company.
Gayunpaman, ang ganitong arrangement ay ‘di makakaapekto sa kagustuhan ng mga empleyado na umalis mula sa group purchage, at mag-avail ng ibang HMO product.
5. Kailan po matatangap ng mga kawani ng gobyerno ang 7 thousand pesos na Medical Allowance?
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM) Circular No. 2024-6, ang bawat ahensya ay kinakailangan magkaroon ng internal implementing rules, guidelines, and
procedures sa pagbibigay, paggamit, at pagmonitor ng Medical Allowance ng kanilang mga kawani.
Bilang bahagi nito, ang iskedyul ng pagbibigay ng Medical Allowance ay maaaring isama sa panuntunang ilalabas ng mga ahensya.
Ngunit, nais naming bigyang-diin na ang medical allowance ay maaari nang i-charge sa available release Personnel Services allotment sa ilalim ng FY 2025 General Appropriations Act (GAA), na comprehensively released sa simula pa lamang ng taon.
Dagdag pa, sakaling magkulang, maaaring magsubmit ang mga government agencies ng Special Budget Request sa DBM para sa nasabing layunin na sisingilin mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Funds sa ilalim ng FY 2025 GAA.
6. Gaano kalaki ang pondong ilalaan ng DBM para sa Medical Allowance?
Ang Pamahalaan ay naglaan ng P9.5 Bilyon para sa Medical Allowance ng higit 1.3 milyong kawaning sibilyan, permanente, kontrakwal o casual, ng National Government, State
Universities and Colleges, at Government-owned or -controlled corporations.
Ang nasabing halaga ay nakapaloob sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund ng FY 2025 General Appropriations Act.
7. Sa ilalim ng budget circular No. 2024-6, mga regular o plantilla personnel lang po ba ang mabibigyan ng Medical Allowance o kasama na rin po ang mga COS, Job Order at mga appointive positions sa gobyerno?
Batay sa DBM Budget Circular No. 2024-6, ang Medical Allowance ay maibibigay sa mga kawaning sibilyan, permanent, contractual, o casual, na nananatili sa government service at
inaasahang magseserbisyo pa sa pamahalaan ng higit kumulang anim na buwan sa isang taon.
Samantala, hindi sakop ng naturang benepisyo ang mga (i) Contract of Service (COS), Job Order, at mga nagtatrabaho nang walang employer-employee relationship, (ii) mga kawaning sibilyan na mayroon nang natatangap na katulad na benepisyo at nagtratrabaho sa legislature, hudikatura, at ibang pang opisinang may fiscal autonomy, at (iii) mga miyembro ng militar at unipormadong personnel ng AFP, PNP, at iba pang opisina.
8. Kasama rin ba ang mga kawani ng LGUs at Local Water Districts na mabibigyan ng Medical Allowance? Saan po mangagaling ang pondo para dito?
Sa ilalim ng DBM Budget Circular No. 2024-6, ang mga pamunuan ng LGUs at Local Water Districts (o LWDs) ay maaaring magbigay ng Medical Allowance, na hindi hihigit ng P7,000 bawat isa, sa kanilang mga empleyado na aayon sa mga kondisyon at panuntunan ng nasabing Circular.
Para sa LGUs, ito ay dapat tukuyin ng kanilang sanggunian at i-charge sa kanilang local government funds, subject sa PS limitation ng Local Government Code of 1991.
Samantala, ang Medical Allowance ng mga kawani ng LWDs ay dapat aprubahan ng kanilang Board of Directors at kunin mula sa kanilang Corporate Operating Budgets.
Kung sakaling hindi kakayanin ng kanilang ahensya ang uniform na P7,000 Medical Allowance, ang mga LGUs at LWDs ay maaaring magbigay ng mababang halaga ng allowance na uniform sa lahat ng kwalipikadong opisyal at empleyado.
9. Siguro ang tanong po ng mga kawani sa gobyerno ay bakit ngayon lang sa administrasyon ni PBBM at sa pamumuno ni DBM Secretary Amenah Pangandaman mabibigyan ng Medical Allowance ang mga kawani ng gobyerno? May mga naging challenges po bang kailangan maresolba noong mga nakaraang administrasyon kaya hindi ito naibigay?
Ayon sa pag-aaral ng DOH, mayroong poor access ang mga government employees sa health services and facilities dahil sa affordability ng health services and medications sa bansa. Dahil dito, inirekomenda ng DOH ang walong policy recommendations, kabilang ang pagkakaroon ng Annual Medical Check-up, HMO coverage, at government health information system.
Dahil dito, masusing pinag-aralan ng Kagawaran, kasama ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, ang pagbibigay ng Medical Allowance sa mga kawaning sibilyan upang tulungan
silang makakuha ng HMO coverage para sa pangangailangang medikal. Bukod dito, Secretary Pangandaman has been pushing the advocacy of providing HMO
coverage to employees in the national government, particularly the Executive branch, since 2017.
10. Sapat ba ang P7,000 Medical Allowance?
Batay sa pag-aaral ng ilang ahensya ng gobyerno, ang membership fee para sa HMO-type benefits ay mula P1,750 hangang P19,438 na nakadepende sa coverage, number ng enrollees, at ang usage nito (one-time or postpaid base).
Ayon sa Insurance Commission, mayroong HMO Provider na nag-aalok ng P6,041 annual premium para sa group HMO package from 300 or more members. Samantala, mayroon ding P3,000 para sa health insurance for viral and bacterial infections at accidental injuries lamang.
Dahil dito, ang P7,000 Medical Allowance ay sapat para pantulong lamang (o subsidy) sa pagkuha nila ng HMO-type product na makapagbibigay ng (i) outpatient care, (ii) in-patient care, (iii) special diagnostic procedures, (iv) room and board accommodation, (v) emergency care, (vi) pre-existing conditions at iba pa, subject sa maximum benefit limits at terms and conditions ng HMO providers.
11. Baka po may karagdagan pa kayong mensahe na nais ninyong ipaabot sa publiko tungkol dito?
Ang Medical Allowance ay makatutulong sa mga kawani ng gobyerno na maka-access sa mga healthcare services o benefits na naaayon sa kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng HMO coverage.
Dahil dito, pinapaalala po natin sa mga ahensya ng pamahalaan na magsimula nang gumawa ng kani-kanilang internal implementing rules and regulations batay sa EO No. 64, s. 2024 at DBM Budget Circular No. 2024-6 upang maimplementa at maramdaman na ng kapwa lingkod bayan ang benepisyong ito.
Samantala, ang DBM ay nangunguna para sa paggawa ng mga programa at polisiya to ensure equitable, prudent, transparent and accountable allocation and use of public funds and to improve the life of each and every Filipino.
Iyan po ang mandato namin. Ang mga polisiya at reforms po na ipinatutupad ng DBM ay instrumento sa pag-achieve ng national socioeconomic and political development goals ng bansa.
Maraming salamat po.